Daming problemado pa'no daw papasok sa trabaho. Hala paano nga ba? Eto bibigyan ko kayo ng tips kung paano kayo makakapasok sa trabaho ngayong GCQ (General Community Quarantine) sa Metro Manila (and other GCQ areas).
𝗣𝗮𝗮𝗻𝗼 𝗸𝗮 𝗠𝗮𝗸𝗮𝗸𝗮𝗽𝗮𝘀𝗼𝗸 𝘀𝗮 𝗧𝗿𝗮𝗯𝗮𝗵𝗼 𝗛𝗮𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗚𝗖𝗤 (How to commute to work during GCQ)
1. Open Facebook (or if may wifi and data ka, check mga government and news websites, other gov't/news social media accts, etc.)
2. Check kung may mga tricycle, bus or jeep atbpng sasakyan na ba n allowed during GCQ.
3. 𝘐𝘧 𝘸𝘢𝘭𝘢, contact your company HR or manager, tanungin if may shuttle or service na mapro-provide.
4a. 𝘐𝘧 𝘸𝘢𝘭𝘢, tanungin ang sarili, "may kotse ba ako?"
4b. If meron, congratulations! Wala kang problema sa pagcommute to work! 👏👏👏
5a. 𝘐𝘧 𝘸𝘢𝘭𝘢, tanungin ulit ang sarili, "may bike or motorsiklo ba ako?"
5b. If meron at marunong kang magbisikleta or magmotor, congrats! Makakapasok ka! 🎉🎉🎉
6a. 𝘐𝘧 𝘸𝘢𝘭𝘢 pareho, tanungin ang sarili, "May mahihiraman ba ako? Kaya ko ba mag-bike papuntang work? May pambayad ba ako ng gas ng motor?"
6b. If meron aba solb na ang problema mo! 🎉
7. 𝘐𝘧 𝘸𝘢𝘭𝘢, tanungin ang sarili, "kaya ko ba bumili ng bike or motor pampasok sa trabaho? May magpapautang ba sa akin pambili kung wala ako perang pambili?"
8a. If meron pareho, congratulations! 🎉 Makakapasok ka na sa work pag nakabili o nakautang ka ng pambili! (Bili ka muna syempre, bike/motor tsaka helmet for safety)
8b. 𝘐𝘧 𝘸𝘢𝘭𝘢 pareho, isipin mo, kanino ka pwede sumabay o magpahatid, yung may sasakyan? (Magbayad ka n lng ng hati s gas siguro.)
9. 𝘐𝘧 𝘸𝘢𝘭𝘢, tanungin ang mga brgy tanod, may pwede ba hiramin or may pwede ba maghatid sa'yo para makapasok?
10. 𝘐𝘧 𝘸𝘢𝘭𝘢, tanungin ang city government, may available bang shuttle service going inside and outside your area?
11. Kung wala lahat, papasok ka pa ba or mag-work from home ka kung pwede? Natanong m b kung pwede ka magwork sa bahay? If ang trabaho m d pwede gawin sa bahay, isipin mo ulit, magnenegosyo ka na lang ba or maglalakad papasok sa trabaho o makikiusap para may masakyan/magamit papasok ng trabaho?
12. Ang solusyon sa new normal commuting problem ay nasa mga kamay natin. Kung gusto may paraan daw, d b?
So, paano ka nga ba makakapasok sa work? 🤔😅 At paano ka rin uuwi? Step 1...
Originally posted on my Facebook Page.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento